Nagbabalik
June 16, 2010Dalawang buwan din akong nawala dito…. Ganyan talaga kapag marami kang inaasikaso at iniisip.
Dalawang buwan na pala ang nakalipas noong huli akong naglabas ng aking saloobin. Marami na ang nangyari. Bago na ang pangulo, at bago na rin ang oras ng trabaho ko. Di makakaila na mabuti ang daloy ng aking buhay ngayon. Subalit, may mga bagay pa rin na bumabagabag sa akin.
Nabanggit ko dati na gusto ko ng pagbabago. Pagbabago sa paligid ko, at higit sa lahat, pagbabago sa sarili ko. Dati-rati, ang tanging hangad ko sa buhay ko ay sumikat at mabuhay ng komportable at matiwasay. Ang kaso nga lang, habang tumatanda ka, nag-iiba ang tingin mo sa mundo. Hindi lahat ng iniisip, sinasabi, at ginagawa mo sa iyong nakaraan ay nagsasalamin kung sino ka ngayon.
Pinilit kong bumalik sa dati kong pagkatao sa pamamagitan ng isang eksperimento: isang taong makasarili at makamundo. Isang tao na walang pakialam sa mundo, walang balak sumunod sa hulma nito. Makatapos ng dalawang taon, saka ko lamang naintindihan kung bakit hindi na ako ang taong iyon, kahit na noong una pa lang ay alam ko na ang sagot.
Ngayon, ang tangi ko na naiisip na gawin ay ayusin ang buhay ko at panindigan kung sino talaga ako. Ang tanong: paano ko babalikan ang pagkataong iniwan ko?
Changes
April 3, 2010Let me just pose this question to all of you: Have you ever experienced a significant change in your life?
When i talk about change, I am not just talking about getting a new haircut, trying a new dish,or palying the latest online game. I am talking abouta really drastic one. Something that will affect you, your beliefs, and your life in general. That is the change that I am talking about.
As of now, I will be making some changes in this blog of mine. I have realized that while the quest to fame is fun and exciting, it is a fleeting goal. therefore, I need a change in the way that I write as a reflection of the changes on how I view things. Stay tuned.
23 Things I Learned During My 23 Years
January 23, 2010On this 23rd day, I celebrate 23 years of living, laughing and loving. Here are 23 random things that I found out about life, God, family, friends, relationships, myself and whatnot. I’m still in the process of learning some more, but I sure am looking forward to another year of adventure.
Sa puntong ito, Filipino na ang gagamitin ko. Para maiba lang. Pagbigyan nyo na ako. Kaarawan ko naman e.
- Alam mo yung luntiang mala-chewing gum na makikit mo sa plato mo sa mga kainang Hapon? Wasabi yun ‘tol. Huwag mo nguyain. Naku, nanguya mo na? O ngayon alam mo na kung ano ang wasabi.
- Nalaman ko na hindi matatapos ang isang araw na hindi ako matitisod, madudulas, sesemplang, o mahuhulog sa imburnal. (Teka, isang beses lang yun ha. Pramis.)
- Ang korni ko pala mag-joke. Napapatawa rin ako sa mga korning joke, depende nga lang sa pagkakasabi.
- Mas masaya panoorin ang mga tao sa mall kaysa sa mag-window shopping pag wala kang pera at nasa siyudad ka. Marami kang matutunan at malalaman tungkol sa kapwa mong tao.
- Halos lahat ng kinukuwentuhan ko tungkol sa pagkain ay tila natatakam at nagugutom din sa mga pinagsasabi ko kahit na kakakain lang nila.
- Mabuti pala sa akin ang maglakad mag-isa sa may UPLB campus kapag may malalim akong iniisip.
- Hindi pala mabuti sa akin ang uminom ng marming alak kapag malalim ang iniisip ko at masama ang loob ko.
- Mas mabuti pa na magsulat kung ang gusto mong malaman ng tao ay ang mensahe mo. Mas mainam na magsalita kungang gusto mong malaman ng tao ay ang nararamdaman mo.
- Napagtanto ko na hindi talaga ako matututo mag-yosi kahit kailan, at wala talaga akong balak.
- Ang tao talaga kahit gaano pa katalino, gagawa pa rin ng katangahan minsan sa kanilang buhay. Lahat ata ng tao dumaan dyan, aminin man nila o hindi.Sabi nga nila, ang common sense ay di talaga ganun ka-common.
- Mahilig talaga ako sa surpresa.
- Wala nang mas magmamahal, magtiyatiyaga, at tatanggap sa iyo kung hindi si God, Jesus, Bro, Allah, Buddha o kung sinuman o anuman ang pinaniniwalaan mo. Ang mahalaga ay nagtitwala ka sa isang anyong higit pa sa tao.
- Bukod sa Diyos, pamilya mo lang talaga ang makakaintindi sa lahat ng kabaliwan at kalokohan mo dito sa mundong ibabaw. Kahit sumuko ka na sa sarili mo, sila hindi pa rin susuko sa iyo.
- Walang masama sa pagtatanong. Tanga lang ang hindi marunong magtanong.
- Huwag na huwag pipirma ng blangkong dokumento, at basahin mabuti ang mga papeles bago pumirma.
- Kahit na masarap ang Haagen-Dazs at gelato, hindi ko pa rin ipagpapalit ang plain vanilla sundae cone sa McDo.
- Walang masama sa pagpapatawad, pero kailangan mo rin mamili ng mga taong pagkakatiwalaan.
- Ang magulang mo, kahit na gaano pa kasama at ka-imperpekto, ay magulang mo pa rin. Mahalin at intindihin mo pa rin kahit na mahirap sila mahalin at intindihin kung minsan.
- Natural na ata sa tao ang maghangad ng wala sa kanila, Ang tuwid ang buhok nagpapakulot, ang kulot ang buhok nagpapa-rebond. Ang mahirap gusto yumaman, ang mayaman gustong yumaman lalo. Ay mali pala, hehe.
- Masaya pala sumugod sa ulan ng walang payong. Huwag nga lang pag bumabagyo.
- Minsan talagang kailangan mong kumalma at huwag seryosohin masyado nag buhay.
- Yun nga lang, kapag seryoso na ang usapan, kailangan seryoso talaga.
- May pag-asa pa ang Pilpinas, tulad nating lahat. Wow naman. Hahaha!
Sober
December 23, 2009What an idiotic and immature way to close the year. It was as if I was somebody else last night. Unfortunately, it was all me.
I can only remember snippets of what happened. Falling off a chair, shouting “I hate you” on the phone (wonder who the hell I called), my bed and some other fuzzy details. It was like everything that I tried to suppress, being the adult that I am, just came out after a lot of cocktails. You know what’s funny? I was never the maligalig one. When I am really drunk, I just disappear and quietly fall asleep.
Last night, all the hurt, frustrations and secrets that I have been keeping all this time just came out. My silent cry for help turned into scandalous screams. Heck, I don’t even know if I can show my faces to them come next year. As Homer Simpson puts it, d’oh! By the way, where’s my phone?
On My Current State of Spirituality
December 6, 2009Last night, I found myself in a conversation that I have been running from the last few months. Something that involves G-O-D. Yeah, I am talking about religion, faith, spirituality or whatever you call it. I am still wondering how I got myself into that topic from what originally was about activism, politics, the supernatural, and the real life Facebook that is Elbi. Nevertheless, it was one of the most intellectually stimulating conversations I had for the longest time.
People can ask me right off the bat if I believe in a Supreme Being, and I would say yes. If they ask which being, I would say God/Jesus Christ. If they ask me if I believe in salvation and eternal life, I would say it is a probability. Just don’t go to the nitty gritty of religion. As of now, I treat sects as if they were the stereotypes I avoided back in high school.
If you knew me from a couple years ago, I used to be so passionate about this concept. I was following all the things that I have learned about my faith. However, I still had issues with the newfound faith that I had. This made me distance myself from the church and the God that I love, hoping to find the answers I was looking for.
It has been a year since I have started the search. However, this last conversation made me sound like I have found the answers I have been looking for. It was as if I was the person I was from a couple of years ago. However, I do know that I am still far from what I am really looking for. It was never the answers that I was really seeking anyway. What I really wanted was the truth. The question is: Will I ever find it in this lifetime?


